Download APP
EUR
  • BRL
  • CAD
  • CHF
  • CLP
  • COP
  • EUR
  • GBP
  • GHS
  • HUF
  • INR
  • MXN
  • NGN
  • PLN
  • RON
  • SEK
  • UAH
  • UGX
  • USD
  • ZAR

Mga Slot

Ang mga slot sa casino ng Multilotto ay nag-aalok sa'yo ng pagkakataon na maglaro at mag-aliw mula sa mismong bahay mo. Hindi mo na kailangang mag-download pa ng kung ano, puwede kang maglaro diretso sa iyong web browser. Kung gusto mong malaman ang higit pang detalye ng laro, maaari mong subukan na maglaro nang libre gamit ang play money. Ginagarantiya namin sa'yo na sa oras na maramdaman mo ang kapana-panabik naming mga slot - gugustuhin mong maglaro (at manalo!) ng tunay na pera.

Kapag handa ka ng maglaro at manalo ng tunay na pera, may mga ilang bagay kang dapat malaman. Sa lahat ng mga slot, puwede kang mamili ng halaga ng coin. Palaging Euro ang ginagamit sa paglalaro at karaniwang ang halaga ay nagsisimula sa € 0.01 hanggang € 0.25. Maaari ka ring magdesisyon kung ilang mga coin ang nais mong itaya sa isang spin. Higit sa lahat, ikaw ang magdedesisyon kung ilang mga linya ang lalaruin mo. Mas maraming mga linya na lalaruin, mas higit ang tsansang makakuha ka ng kumbinasyon at manalo.

Kapag naglalaro ka na at gamay mo na ang paglalaro, gugustuhin mong subukin ang mga bonus round at mga libreng spin. Sa bonus na laro, may tsansa kang doblehin ang taya mo at manalo ng maraming pera. May tsansa ka ring makakuha ng mga libreng spin, na puwede ring mangahulugan ng maraming pera. Makikita mo ang mga kumbinasyon sa pay table para sa laro.

Sa ilang mga laro, may tsansa ka ring doblehin o kaya'y pag-apatin ang iyong mga panalo. Maaari kang pumili ng kulay na sa tingin mo ay nasa likod ng nakatagong kard (itim o pula). Kung tunay kang mananaya, puwede kang mamili kung ano ang nasa likod ng kard (hearts, diamonds, spades, clubs). Lagi mong iisipin na kapag mali ang napili mo, mawawala ang napanalunan mo mula sa spin.

Black Jack

Blackjack, kilala rin bilang "21" ay ang pinakabantog na larong casino kung saan maglalaro ka laban sa bangko. Ang paglalaro ng Blackjack sa online ay tulad rin ng paglalarong pisikal sa casino. Ang blackjack na istratehiya mo at ang mga napili mo ay magkatulad. Bilang blackjack na manlalaro, ang misyon mo ay talunin ang dealer ng isang set ng mga kard na kapag pinagsama-sama ay hihigit pa sa mga kard ng dealer, o di kaya naman ay mas kaunti sa 21 kung mas maraming kard ang dealer kaysa sa'yo.

Kung ang hand mo ay hihigit sa 21, "tapos" ka na at talo ka. Para malaman mo ang halaga ng hand ng blackjack sa online, dapat alam mo ang halaga ng bawat kard sa deck. Ang isang Ace ay may halaga na isa o labing-isa at ang lahat ng mga face card ay may katumbas na sampu kahit na ano pa ang ayos nito.

Kailan ang isang ace ay nagkakahalaga ng isa o labing-isa? Kapag ang total ng iyong hand ay mas kaunti sa 21 ang Ace ay halagang labing-isa. Kapag ang total ng iyong hand ay higit sa 21, ang iyong Ace ay halagang isa. Kung narinig mo na ang kasabihang "soft hand", makakatulong iyon sa'yo kung alam mong ang ibig nitong ipakahulugan ay ang ace na nasa hand mo ay may halagang labing-isa. Ang "hard hand" sa kabilang banda naman ay nangangahulugang wala kang Ace o kaya ay ang halaga nito ay isa lamang.

Kapag inihain na ang mga kard, ang bawat manlalaro ay makakatanggap ng tig-dalawang mga kard, habang ang dealer naman ay may nakalabas at nakatagong kard. Bilang manlalaro, magdedesisyon ka kung kukuha ka pa ng kard o hindi na, depende sa halaga ng nasa hand mo. Sa Blackjack, may tsansang "Split" o "Double". Ang ibig sabihin ng una ay puwede mong paghiwalayin ang mga kard na may parehong numero, o kung pareho ay nakabalot. Biglang magkakaroon ka ng dalawang hand sa halip na isa at puwede kang manalo ng mas maraming pera. Ibig sabihin naman ng Double ay dodoblehin mo ang taya mo, pero tandaan na isa lamang na kard ang puwede mong kunin.

Para bang magulo? Subukan mo ito nang libre gamit muna ang play money. Tiyak namin na ikaw, gaya ng ibang manlalarong nakasubok na sa iba't ibang panig ng mundo, ay mahuhulog din agad sa klasikong laro na ito.

Tip:

Kung may total ka na 11 o kaunti pa, palaging may tsansa ka pang kumuha ng isa pang kard dahil di mo ipakikipagsapalaran na matapos ka.

Sa 11, minsan ay mas mainam na doblehin ang iyong taya - madali kang makakakuha ng 21 sa tulong ng face card (10) o kaya naman ay sampu.

Sa palagay mo ba ay hindi mukhang delikado ang nakalabas na kard ng bangko? Kung gayon ay mainam na paghiwalayin ang mga kard mo kung may pagkakataon pa. Sa gayong paraan ay maaari kang manalo ng maraming pera kung natalo mo ang bangko o kaya'y mayroon itong mas mababang hand kaysa sa iyo.

Roleta

Nagsimula ang Roulette noong mga taong 1800 at kilala sa buong mundo.

Nagbuhat ang Roulette sa France at ito ay kumbinasyon ng dalawang laro, "Hoca" at "Portique" at nakuha ang pangalan mula sa isang salitang Pranses na tumutukoy sa "maliit na gulong" sa kadahilanang ang larong ito ay umiikot sa isang gulong na may mga numero.

Maraming iba't ibang klase ng Roulette na may iba't iba ring mga alituntuning sadya. Mayroon kaming mga bersiyon ng Roulette, na kapag sinubukan mo sa una gamit ang play money, sigurado kaming matatagpuan mo ang Roulette na bagay sa panlasa mo at maging handang manalo nang malaking papremyo kapag sinimulan mong maglaro gamit ang tunay na pera.

Ang gulong na ginamit sa European Roulette ay nahahati sa 37 na bahagi, may numero mula sa 1 hanggang 36 at isang 0. Ang mga numero ay di naaayon sa pagkakasunud-sunod, bagkus ay inilagay lamang basta sa paligid ng bilog at pinaghalo-halong mga numerong odd, numerong even, mataas at mababang mga numero.

Salit-salitang kulay pula at kulay itim ang bumubuo sa mga bahagi ng gulong, habang ang 0 naman ay pirming berde. Ang mga simpleng alituntunin na ito ay sasapat bilang iyong basehan para matutunan ang simpleng istratehiya sa larong roulette.

Sa larong Roulette, magkakaibang mga istratehiya sa laro ang maaaring pagpiliang gamitin ng manlalaro. Base sa iyong nararamdaman at karanasan maaari mong gamitin ang iba't ibang mga istratehiyang ito sa paraang nais mo.

Ang unang desisyon mo bago mo ilagay ang mga chips sa board ay kung maglalaro ka sa mababa o mataas na mga numero. Ang mga mababang numero ay mula sa 1 hanggang 18, habang ang 19 hanggang 36 naman ay ang mga matataas na numero. Kung gusto mong tumaya sa isang solong numero lamang, ang tawag dito ay "straight-up".

Ang "split" ay kapag inilagay mo ang taya mo sa linyang nasa pagitan ng dalawang numerong magkatabi, makukuha ito ng "three-way" kapag inilagay mo ang taya mo sa dulo ng linya, sapat upang makublihan ang lahat ng tatlong numero sa hanay na iyon.

Mas maraming numerong hinati mo ang taya, o nilaro mo, mas maliit ang puwede mong mapanalunan. Halimbawa, ang nanalong taya sa isang solong numero o "straight-up" ay magbibigay sa iyo ng 35 na beses na dami ng pera mo, habang tatlong beses na dami ng halagang pera, halimbawa kung nanalo ang taya mo sa buong pitak ng 12 numero. Maaari ka ring tumaya sa mga numerong odd/even, mataas/mababa o pula/itim.

Maraming puwedeng tayaan kaya ang munting tip sa'yo ay maglaro nang libre para mahanap ang sarili mong istratehiya.

Tip:

Kung hanap mo ay mas maliliit ngunit mas madalas na mga panalo, palagiang tumaya sa labas (labas ng pangunahing game table).

Kung hanap mo naman ay mas malalaki at pambihirang mga panalo, palagiang tuimaya sa loob (sentro ng game table).

Video Poker

Base ang Video Poker sa klasikong kard na larong poker. Ang kaibahan, dito ay naglalaro ka lamang kalaban ang computer at ang misyon ay makakuha ng 5 pinaka-natatanging mga kard. Paano ito gumagana? Ganito, magsisimula ka sa pagkuha ng 5 mga kard. Ikaw bilang manlalaro ay pipili kung aling mga kard ang kukunin mo at ang iba ay papalitan ng bagong mga kard. Depende sa nakuha mong hand sa poker, babayaran ka ayon sa nakalagay na halagang katumbas sa table ng payout.

Ang mga laro ay maaaring magkakaiba nang bahagya at may magkakaibang mga alituntunin. Ang isang karaniwang laro ay ang "Jacks or better" kung saan ang isang pares ng mga jack ang minimum na hand na magbabayad. Nilalaro ito nang walang joker. Ang iba namang mga laro ay nilalaro ng may joker at ang mga tsansa, istruktura ng payout, ay nagkakaiba-iba. Sa iba pang mga laro, may mga wild card (mga kard na representasyon ng kahit na anong kard, pati na ang wildcard).

Ang ilang mga laro ay nag-aalok ng "double or nothing" na opsyon kung saan puwede mong itaya ang napagwagian mo sa huling hand mo at doblehin ang panalo o kaya naman ay matalo.

Sa Casino Casino School